Tuesday, August 4, 2015

Masamang Balita: Prosperity Gospel Isang Heresiya! (Part 3)



The Gospel vs. The Prosperity Gospel

Walang ebanghelyo ng prosperidad (prosperity gospel). May isa lamang na ebanghelyo, ang ebanghelyo ng biyaya --- ang ebanghelyo ni Hesus! - Brian Houston
Hindi kataka-taka na marami pa rin sa ating mga kapatid sa pananampalataya ang nahihikayat at puspusang pa ring naniniwala sa ‘prosperity gospel’. Maaring marahil dahil na rin sa ating makasalanang sarili (sinful nature). Sa nabasa kong aklat mula sa panulat ni Florence Bull, ‘Ang Maraming Mukha ng Pandaraya (Deception) – Tuklasin ang katotohananan hingil sa mga kontrobresyal na turo sa ating simbahan. Ang aklat na ito ay nagpapakita sa iba’t-ibang panlilinlang at maling katuruan sa simbahan, particular na sa katuruan sa simbahan sa Estados Unidos na kung saan nagmula ang mga kilalang pastor at mangangaral na nagtuturo nito, tulad nina Joel Osteen, Joyce Meyer, Benny Hinn at marami pang iba. Ngunit ang problemang ito’y matagal ng nariyan. Nagpapasalamat ako sa Diyos at may mga ilang mangangaral tulad ni John Piper, John MacArthur at R.C. Sproul na nariyan upang ituwid ang ganitong paniniwala. At isa ako at ang aking mga kapatid sa pananampalataya na bumubuo nitong blog na naniniwala na mali ang paniniwalang ito, kami ay narito para ibahagi sa inyo ang katotohanan.


image

Sabi nga bi Bulle sa kanyang isinulat, “Ang kaaway mula noon pa man ay maraming tusong panlilinlang na ginagawa. Una, paniwalain ang simbahan na walang Diablo, pangalawa, maging obsesiyon ang Diablo at ang kanyang mga kampon at pangatlo, isipin na kailanman ang simbahan ay hindi malilinlang.” 
Dapat tayo ay mag-ingat dahil may sinabi ni Kristo na marami ay gagamitin ang kanyang pangalan, at sila’y malilinlang.(Mateo 24:5)
Ano ba ang tunay na ebanghelyo kapatid?
Simple lang mga kapatid. Ayon kay Piper, Ang Bagong Tipan ay tungkol kay Kristo. Ang ebanghelyo, ay “Ebanghelyo ni Kristo.” Saliksikin natin ang Bibliya, ayon sa Roma 15:19, “Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang Ebanghelyo ni Cristo; Aking nilayon na maipangaral ang ebanghely, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;”
Sa 1 Corinto 9:12, “Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? Gayon ma'y hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo.” At marami pang berso na patunay (Galatia 1:7; Filipios 1:27; 2 Corinto 2:12 at madami pang iba.)
Masasabi din natin ang ebanghelyo ay “ang ebanghelyo ng gloria ni Kristo” (the gospel of the glory of Christ”, na nakasaad sa 2 Corinto 4:4, “Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.”
At lalo na, ang ebanghelyo ay ayon sa pangangaral ng “kayamanan ni Kristo”, (Efeso 3:8) “Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo.”


image

Ano nga ba ang nais ni Hesus para sa atin dito sa mundong ito?
Mga Kapatid, makikita ito sa pamumuhay niya, nung Siya’y nagkatawang tao, nangaral, nakisalamuha sa atin, at nakadama at naranasan ang mga nararamdaman din natin. Hindi lingid sa kanya at ating mga pagsubok at kapighatian. Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.” (Hebreo 4:15)
Ipinapakita sa atin ni Hesus, ang buhay ay hindi lamang tungkol sa  materyal na bagay, o pagkain, o sa ating pananamit. Tandaan na ang buhay natin ay hindi lamang para mamuhay at maranasan ang kasagaan o mamuhay ng komportable kundi ito ay para sa isang mas napaka-importante at mahalagang bagay ang magpakayaman sa Diyos, “Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios.” (Lukas 12:21). Hindi tayo hinihikayat na magkamal ng maraming kayamanan dito sa mundong ito, kundi ang mag pokus tayo sa higit pa, at yun ay sa kayaman at kaharian ng Diyos.


image

Sinasabi din ito sa Mateo 6:19-21 ,” Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.”


image

Ano ang dapat nating tandaan parang makaiwas sa ganitong maling katuruan? Nais kong ibahagi ang katuruan muli ni John Piper ukol ditto.
Una ang absentiya o kawalan ng isang mahalaga at seryosong doktrina ng biblical necessity at ang paghihirap, o ang absentiya ng doktrina ng paghihirap (mga pagsubok at kapighatian). Sa Gawa 14:21 sinabi dito ni Paul na ang mga simbahan na makakaranas ng kapighatian at mula dito mararating natin o makakapasok tayo sa kaharian ng Diyos. Ang kapighatian (tribulation) ba o mga pagsubok ay isa sa mga katuruan ng simbahan? Ang kapighatian o pagsubok ay mahalaga at maraming pagdaraan tayong mga Kristiyano. Kung si Kristo nga ay nakaranas ng paghihirap tayo pa kayang kanyang mga taga-sunod? Wala tayong karapatan na magsabi na hindi dapat tayo makaranas ng kapighatian dito sa mundong ito. Ating tandaan lamang na an gating Diyos ay naghahari sa lahat, pati na sa ating mga nararanasang pagdurusa, at ito ay kailangan natin para sa ating pagpapakabanal.
Pangalawa, ang kawalan ng isang malinaw na doktrina tungkol sa pagkakait sa sarili o ang pagkilos ng pagtangging sumampalataya sa iyong sarili (self-denial), ay isa na naming palatandaan na may mali sa itinuturo. Sabi sa Roma 8:13, “Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo.” At sinabi rin ni Hesus na ang sinuman na gustong sumunod sa Kanya, kalimutan ang sarili at pasanin ang kanyang krus at sundin Siya. Sa pamumuhay Kristiyano mas pipiliin natin ang daan na hindi pinipili ng karamihan. Daan ng matuwid, daan ng patungo kay Kristo.
Maging mapanuri sa ebanghelyo itinuturo. Kung hindi ito naka-sentro kay Kristo, maging alisto. Sabi nga n gaming pastor mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, iisang mensahe ng Bibliya ito ay naka-sentro kay Kristo. Dapat sa lahat ng aklat ng Bibliya, hanapin natin si Kristo. Kung kay Kristo tayo nakatuon hinding-hindi tayo maililigaw ng anumang bulaang o maling doktrina at katuruan. Maging mapagsaliksik tulad ng mga Bereans.
Ang kahuli-hulihang paalala. Ang namumuno at ang pastor o taga-pangaral sa iyong simbahan ano ba ang ipinapakita niya:
1.    Siya ba ay may magarbong pamumuhay?
2.    Masyado ba siyang naka-sentro sa material na bagay?
3.    Lagi nya bang itinataas ang kanyang sarili?
4.    Naka-sentro pa sa tunay na ebanghelyo at kay Jesus ang kanyang itinuturo?
5.    Nakatuon ba sa Diyos ang kanyang pangangaral?
Kung Oo, ang sagot mo. Nararapat na ika’y maghanap ng simbahan na nagtuturo ng tama.


image

Paliwanag pa ni Piper, hindi masama ang personal na panalagin na humingi na biyaya. Pero ang pag bibigay ng pokus sa prosperity gospel, at isiping ibibigay ng Diyos ang ating hinihiling na kasaganaan at kaginhawaan ay mali sapagkat hindi maari na mapilit natin o makumbinsi ang Diyos na ibigay ang ating pansariling kagustuhan.
Sa katuruang prosperity gospel, ang tao at hindi ang Diyos ang nagiging sentro ng ating mga panalangin. Katakang taking nakakaligtaan ng mga mangangaral ng ebanghelyo ng prosperidad ang pangalawang parte sa aklat ni Santiago, “4:3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.” Tandaan na ang Diyos ay hindi sumasagot sa panalangin makasarili na hindi nagbibigay pugay sa kanyang pangalan.

Please. Please. Please. Watch these Videos Kapatid.


��1�,�B

Sunday, August 2, 2015

Masamang Balita: Prosperity Gospel Isang Heresiya! (Part 2)

Bakit Delikado ang Prosperity Gospel?

Nabanggit ko na po sa unang parte nitong blog (Masamang Balita: Prosperity Gospel Isang Heresiya) na ako po ay galing sa simbahang ang doktrina ay ‘yung sa Prosperity Gospel or Health and Wealth Gospel. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon nating si HESUS at binuksan niya ang mga mata ko’t iba pang kasamahan mula sa nakakagambala’t nakaliligaw na Ebanghelyong ito.
Totoong ako’y nasiyahan sa ginawa ng DIYOS sa amin, ngunit hindi ko maitatangging ako ay malungkot pa rin. Malungkot ako dahil may mga kapatid pa akong nakakulong pa rin sa kilusan o pilosopiyang ito. Ang mga buhay nila’y nakatuon pa rin sa mga makamundong pangarap. Gusto pa rin nilang yumaman at buong puso nilang pinagdarasal sa Panginoon ang magandang buhay.
Tanong nila:
Hindi naman siguro masama ang mangarap ng magandang buhay? Hindi naman siguro mali na ang hinihingi ko sa KANYA’y tagumpay dito sa lupa? Hindi naman siguro magagalit ang DIYOS kong ang hinihingi ko sa kanya’y isang masaganang buhay?
Kapatid, naiintindihan ko ang mga hinaing at dasal mo. Totoong nakakatakot ang mabuhay ng mahirap at puno ng persekusyon dito sa mundo. Takot din ako sa kahirapan. Noon.
Kapatid alam mo ano ang hindi kaagad-agad malirip dito?
Kapatid alam mo ano ang mali dito?
Ang lahat ng ito ay makamundong asam! ‘Yang pinapangarap mo’y mula sa laman! Ang mga mithiin mong ‘yan ay nanggaling mismo sa makasarili mong puso. Pinagnanasahan mo ang bagay na kinasusuklaman ng ating Panginoon. Naging adhikain mo ang magkaroon ng mga bagay na siyang kinaseselosan ng Panginoon.



The LORD is Your SHEPHERD. You Lack Nothing. Psalm 23:1

Ang PANGINOON ay Aking PASTOR; hindi ako mangangailangan.
Makinig ka sa akin. Focus. Mahal ka namin kapatid subalit kinakailangan naming magbigay ng babala’t ipaalala sa iyo ang mga Salitang ito.
You cannot serve GOD and wealth. Matt 6:24 at Luke 16:13
Do not store up for yourselves treasures on Earth. Matt 6:19
Keep your life free from love of Money. Heb 13:5
For the love of money  is a root of all kinds of evil. 1 Tim 6:10
Blessed are the poor! Blessed are those who mourn! Matt. 5:12
Deny yourself! Abstain from from the passions of  of the Flesh. 1 Pet. 2:11
Kapatid, gumising ka. Ibang Gospel ‘yan! Ito ay lason. Ito ay hindi isang magandang balita- ito ay masamang balita, napakasamang balita. Kapatid huwag kang paloko. Kapatid ikaw ay dinadaya’t niloloko ng mundo!



Ito ‘yung sinasabi ni Paul kapatid,
2Ti 4:3  For the time is coming when people will not endure sound teaching, but having itching ears they will accumulate for themselves teachers to suit their own passions,
2Ti 4:4  and will turn away from listening to the truth and wander off into myths.
2Ti 4:5  As for you, always be sober-minded, endure suffering, do the work of an evangelist, fulfill your ministry.
Kapatid balik tayo sa makitid na daan. Focus. Focus. Focus.
Kapatid kinakailangan ko ang tenga’t puso mo ulit. Makinig po kayo ng maigi.
We are to Suffer!
We are to be persecuted!
We are meant to be lowly!
Indeed, all who desire to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted. 2Ti 3:12  
Mat 10:39  Whoever finds his life will lose it, and whoever loses his life for my sake will find it.
Christ tells them, they must expect greater sufferings than they were yet called to; that they should then be made prisoners, when they expected to be made princes. It is good to be told what troubles we may hereafter meet with, that we may provide accordingly, and may not boast, as if we had put off the harness, when we are yet but girding it on. – Matthew Henry Commentaries
Behold, I send you forth as sheep in the midst of wolves. Matt. 10:16.
Why?
Because the world hate us!
And you will be hated by all for my name's sake. But the one who endures to the end will be saved.  Mat 10:22
If you were of the world, the world would love you as its own; but because you are not of the world, but I chose you out of the world, therefore the world hates you. John 15:19 
If the world hates you, know that it has hated me before it hated you. John 15:18
Tanong: Kristiyano Pilipino, mali ba kung mahalin ko ang aking sarili at humingi ng magandang buhay dito sa mundong ito?
Sagot: Whoever loves his life loses it, and whoever hates his life in this world will keep it for eternal life. Joh 12:25  
Kapatid halika’t basahin natin ang isa sa mga naging karanasan ni Paul bilang epektibong Kristiyano:
2Co 12:7  So to keep me from becoming conceited because of the surpassing greatness of the revelations, a thorn was given me in the flesh, a messenger of Satan to harass me, to keep me from becoming conceited.
2Co 6:3  We put no obstacle in anyone's way, so that no fault may be found with our ministry,
2Co 6:4  but as servants of God we commend ourselves in every way: by great endurance, in afflictions, hardships, calamities,
2Co 6:5  beatings, imprisonments, riots, labors, sleepless nights, hunger;
Kapatid mahirap magkaroon ng magandang buhay dito sa mundo – dahil hindi tayo taga rito. Marumi ang mundo at hindi malinis ang ating pisikal na sistema – ano bang pinapangarap mo? Langit? Maghintay ka lang kapatid. Invest ka sa langit! Doon dapat ang focus mo. Focus. Focus. Focus.



Indeed, all who desire to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted. 2 Timothy 3:12
Para mas maging klaro tayo, pagbigyan niyo po kaming isa-isahin o ilista ang problema sa Prosperity Gospel at kung bakit delikado ito para sa mga Kristiyano.
1.    Nawawala ang focus sa kung saan dapat focus – CHRIST Alone.
2.    Nakatuon sa lupa ang mga prayoridad imbis na sa langit
3.    Nababawasan ang tatag o tibay laban sa persekusyon, pagdurusa’t kahirapan
4.    Nakakabuild ng inferiority complex, dahil kung mahirap ka, meaning kulang faith mo
5.    Nakakapanghina ng loob sa tuwing hindi nasasagot ang mga dasal
6.    Nakakapagtanim ng inggit sa kapwa. Nabubuo ang kompetensiya.
7.    Naging mas mahirap mag preach kase dapat magmukhang successful para mas paniwalaan ka ng mga taong nakikinig sa iyong sermon o testimony. Kumbaga dapat, “Walk the talk.”
8.    Nagiging mas dependent sa positibong enerhiya imbis na kay GOD
9.    Nagmumukhang pera ang mga tupa at Pastol
10. Nababalewala, nababawasan, at nakakaligtaan ang pagdurusa ng mga Martyrs, Apostles, Saints, at ng ating HARI na si HESUS.
11. False Hope
12. False Hopes
13. At marami pang False Hope
14. Hindi Biblical. Hindi Realistic.



Kulang pa nga itong listahan kapatid. Sana bigyan mo ng pansin ang mga ito’t magbulay-bulay kayo. Ang epekto ng Prosperity Gospel ay hindi nakabubuti sa kalusugan ng ating kaluluwa. Ito ay napaka “worldly” na doktrina. Hindi ito nakakapagbigay ng sigla sa ating mga Kristiyano. Ang paghabol sa makamundong yaman ay delikado at ang landas na ito’y patungo sa kawaratan.
But those who desire to be rich fall into temptation, into a snare, into many senseless and harmful desires that plunge people into ruin and destruction. 1Ti 6:9  
Isipin mo ito kapatid:
“If riches were a reasonable goal for the godly, Jesus would have pursued it. But He did not, preferring instead to have no place to lay His head (Matthew 8:20) and teaching His disciples to do the same. It should also be remembered that the only disciple concerned with wealth was Judas.” www.gotquestions.org



Pinipigilan ng Prosperity Gospel maging DIYOS ang DIYOS, ibig sabihin hindi nakakagawa ng anuman ang Panginoon not unless we release HIM to do so.
Imbis na bigyang diin ang importansya ng Wealth, ang Bibliya’y malinaw sa pagbigay ng babala sa atin laban dito.  
Kapatid, gusto ko rin linawin na naniniwala ako na ang pera ay regalo rin ng Panginoon – hindi ako labag dito at ako mismo’y nagtatrabaho para magkapera – para mabuhay. Subalit ang tinutukoy ko lang po dito ay huwag natin hayaang mawala sa tunay na turo ni HESUS dahil lamang sa mga pangakong out of context.
Hindi rin labag ang Panginoon sa pagtatrabaho, sa katunayan pa nga isa sa mga utos niya sa atin, lalo na sa mga lalaki, ay kinakailangang magtrabaho upang may maipakain sa pamilya. Kapatid ang dasal ko lamang ay maging kontento ka’t hindi mawala sa tunay na ganti. Kinakailangan nating mamatay sa ating sarili para mabuhay kay HESUS. Dapat ang pinapangarap natin ay ang mga bagay na wala dito sa lupa.
And those who belong to Christ Jesus have crucified the flesh with its passions and desires.
  Again, I am not against money and work, I am against Prosperity Gospel and the false hope and false messages it brings. And yes we are praying that you will not have the same suffering and poverty experienced by the Saints who went ahead of us – sa totoo lang – we are praying that you and your family will be blessed with good health and provisions and you will be free from all your debts, what we are trying to get at are these: a.    Do not be troubled sa mundong ito b.    Set your eyes on GOD first and let HIM do the rest.    Trust JESUS and HIS eternal promises d.    Do not be deceived by these worldly things e.    Concentrate on your spiritual nourishment not on Earthly flourishment f.     GOD is indeed YOUR great provide g.    Do not burn yourself accomplishing achievements in life. h.    Distinguish Eternal things from Temporal things.
Tanong: Kristiyano Pilipino, ibig sabihin ba ng mga ito kung magiging totoong Kristiyano ako dapat na akong mag-expect ng pain, suffering, persecution?
Sagot: Handa ka ba?
Tanong: Teka lang Kristiyano Pilipino, eh klaro naman ‘tong mga pangako sa Bible about Victory, Richness, Health, Abundance, and Joy – dine-deny mo ba ang mga pangakong ito?
Sagot: Kapatid, all these promises are real and I tell you – those are eternal things. Meaning, makukuha natin ‘yan, hindi man dito pero sigurado (walang false hope) nasa langit ang lahat ng ‘yan. And let me remind you again that the reward is far greater than these things – sa totoo lang – kahit nga ang mga ito walang silbi at walang sinabi sa totoong reward natin. Alam mo ano ‘yun? Si HESUS mismo! Makakasama natin si HESUS in the flesh! Forever! Si HESUS ang Gospel (Magandang Balita) at si HESUS ang REWARD!
Tanong: Kristiyano Pilipino, paano kung papayaman talaga ako ng DIYOS para makatulong sa pagkalat ng Gospel?
Sagot: Praise the LORD! Let HIS will be done!
Tanong: So, anong mali kung ika’y maging mayaman at malusog dahil kagustuhan naman ito ng DIYOS?
Sagot: Wala.
Tanong: So, ano nga ang mali dito?
Sagot: Focus.
Tanong: Okay lang naman siguro kung nag-seserve ka kay GOD at the same time kumakayod kang maging successful. Wala akong nakikitang problema sa tuwing sinasamba ko si HESUS at nag fofocus din sa buhay ko dito sa lupa. Hindi kasalanan ang sundin si HESUS at the same time tuparin ang mga pangarap ko!
Sagot: You cannot serve GOD and Mammon.
Tanong: So you mean, i-susurender ko ang lahat ng dreams, possesions, good life, at success ko dito sa Earth?
Sagot: Welcome to CHRISTIANITY kapatid. Welcome home.
Tanong: To the point na wala na ako? Ano ang kakainin ko? Papaano ako mabubuhay?
Sagot: Sabi ni JESUS.
     Therefore I tell you, do not be anxious about your life, what you will eat or what you will drink, nor about your body, what you will put on. Is not life more than food, and the body more than clothing? Look at the birds of the air: they neither sow nor reap nor gather into barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not of more value than they? And which of you by being anxious can add a single hour to his span of life? And why are you anxious about clothing? Consider the lilies of the field, how they grow: they neither toil nor spin, yet I tell you, even Solomon in all his glory was not arrayed like one of these. But if God so clothes the grass of the field, which today is alive and tomorrow is thrown into the oven, will he not much more clothe you, O you of little faith? do not be anxious, saying, 'What shall we eat?' or 'What shall we drink?' or 'What shall we wear?' For the Gentiles seek after all these things, and your heavenly Father knows that you need them all. But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you. "Therefore do not be anxious about tomorrow, for tomorrow will be anxious for itself. Sufficient for the day is its own trouble. Matthew 6:25-34
Tanong: Ano pang matitira sa akin?

Sagot: CHRIST. Si JESUS CHRIST. Si HESUS ay higit pa sa Sapat.







ADImC�� 4 �e