Tuesday, August 4, 2015

Masamang Balita: Prosperity Gospel Isang Heresiya! (Part 3)



The Gospel vs. The Prosperity Gospel

Walang ebanghelyo ng prosperidad (prosperity gospel). May isa lamang na ebanghelyo, ang ebanghelyo ng biyaya --- ang ebanghelyo ni Hesus! - Brian Houston
Hindi kataka-taka na marami pa rin sa ating mga kapatid sa pananampalataya ang nahihikayat at puspusang pa ring naniniwala sa ‘prosperity gospel’. Maaring marahil dahil na rin sa ating makasalanang sarili (sinful nature). Sa nabasa kong aklat mula sa panulat ni Florence Bull, ‘Ang Maraming Mukha ng Pandaraya (Deception) – Tuklasin ang katotohananan hingil sa mga kontrobresyal na turo sa ating simbahan. Ang aklat na ito ay nagpapakita sa iba’t-ibang panlilinlang at maling katuruan sa simbahan, particular na sa katuruan sa simbahan sa Estados Unidos na kung saan nagmula ang mga kilalang pastor at mangangaral na nagtuturo nito, tulad nina Joel Osteen, Joyce Meyer, Benny Hinn at marami pang iba. Ngunit ang problemang ito’y matagal ng nariyan. Nagpapasalamat ako sa Diyos at may mga ilang mangangaral tulad ni John Piper, John MacArthur at R.C. Sproul na nariyan upang ituwid ang ganitong paniniwala. At isa ako at ang aking mga kapatid sa pananampalataya na bumubuo nitong blog na naniniwala na mali ang paniniwalang ito, kami ay narito para ibahagi sa inyo ang katotohanan.


image

Sabi nga bi Bulle sa kanyang isinulat, “Ang kaaway mula noon pa man ay maraming tusong panlilinlang na ginagawa. Una, paniwalain ang simbahan na walang Diablo, pangalawa, maging obsesiyon ang Diablo at ang kanyang mga kampon at pangatlo, isipin na kailanman ang simbahan ay hindi malilinlang.” 
Dapat tayo ay mag-ingat dahil may sinabi ni Kristo na marami ay gagamitin ang kanyang pangalan, at sila’y malilinlang.(Mateo 24:5)
Ano ba ang tunay na ebanghelyo kapatid?
Simple lang mga kapatid. Ayon kay Piper, Ang Bagong Tipan ay tungkol kay Kristo. Ang ebanghelyo, ay “Ebanghelyo ni Kristo.” Saliksikin natin ang Bibliya, ayon sa Roma 15:19, “Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang Ebanghelyo ni Cristo; Aking nilayon na maipangaral ang ebanghely, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;”
Sa 1 Corinto 9:12, “Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid, hindi baga lalo pa kami? Gayon ma'y hindi namin ginamit ang matuwid na ito; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo.” At marami pang berso na patunay (Galatia 1:7; Filipios 1:27; 2 Corinto 2:12 at madami pang iba.)
Masasabi din natin ang ebanghelyo ay “ang ebanghelyo ng gloria ni Kristo” (the gospel of the glory of Christ”, na nakasaad sa 2 Corinto 4:4, “Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.”
At lalo na, ang ebanghelyo ay ayon sa pangangaral ng “kayamanan ni Kristo”, (Efeso 3:8) “Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo.”


image

Ano nga ba ang nais ni Hesus para sa atin dito sa mundong ito?
Mga Kapatid, makikita ito sa pamumuhay niya, nung Siya’y nagkatawang tao, nangaral, nakisalamuha sa atin, at nakadama at naranasan ang mga nararamdaman din natin. Hindi lingid sa kanya at ating mga pagsubok at kapighatian. Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.” (Hebreo 4:15)
Ipinapakita sa atin ni Hesus, ang buhay ay hindi lamang tungkol sa  materyal na bagay, o pagkain, o sa ating pananamit. Tandaan na ang buhay natin ay hindi lamang para mamuhay at maranasan ang kasagaan o mamuhay ng komportable kundi ito ay para sa isang mas napaka-importante at mahalagang bagay ang magpakayaman sa Diyos, “Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios.” (Lukas 12:21). Hindi tayo hinihikayat na magkamal ng maraming kayamanan dito sa mundong ito, kundi ang mag pokus tayo sa higit pa, at yun ay sa kayaman at kaharian ng Diyos.


image

Sinasabi din ito sa Mateo 6:19-21 ,” Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw: Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.”


image

Ano ang dapat nating tandaan parang makaiwas sa ganitong maling katuruan? Nais kong ibahagi ang katuruan muli ni John Piper ukol ditto.
Una ang absentiya o kawalan ng isang mahalaga at seryosong doktrina ng biblical necessity at ang paghihirap, o ang absentiya ng doktrina ng paghihirap (mga pagsubok at kapighatian). Sa Gawa 14:21 sinabi dito ni Paul na ang mga simbahan na makakaranas ng kapighatian at mula dito mararating natin o makakapasok tayo sa kaharian ng Diyos. Ang kapighatian (tribulation) ba o mga pagsubok ay isa sa mga katuruan ng simbahan? Ang kapighatian o pagsubok ay mahalaga at maraming pagdaraan tayong mga Kristiyano. Kung si Kristo nga ay nakaranas ng paghihirap tayo pa kayang kanyang mga taga-sunod? Wala tayong karapatan na magsabi na hindi dapat tayo makaranas ng kapighatian dito sa mundong ito. Ating tandaan lamang na an gating Diyos ay naghahari sa lahat, pati na sa ating mga nararanasang pagdurusa, at ito ay kailangan natin para sa ating pagpapakabanal.
Pangalawa, ang kawalan ng isang malinaw na doktrina tungkol sa pagkakait sa sarili o ang pagkilos ng pagtangging sumampalataya sa iyong sarili (self-denial), ay isa na naming palatandaan na may mali sa itinuturo. Sabi sa Roma 8:13, “Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo.” At sinabi rin ni Hesus na ang sinuman na gustong sumunod sa Kanya, kalimutan ang sarili at pasanin ang kanyang krus at sundin Siya. Sa pamumuhay Kristiyano mas pipiliin natin ang daan na hindi pinipili ng karamihan. Daan ng matuwid, daan ng patungo kay Kristo.
Maging mapanuri sa ebanghelyo itinuturo. Kung hindi ito naka-sentro kay Kristo, maging alisto. Sabi nga n gaming pastor mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, iisang mensahe ng Bibliya ito ay naka-sentro kay Kristo. Dapat sa lahat ng aklat ng Bibliya, hanapin natin si Kristo. Kung kay Kristo tayo nakatuon hinding-hindi tayo maililigaw ng anumang bulaang o maling doktrina at katuruan. Maging mapagsaliksik tulad ng mga Bereans.
Ang kahuli-hulihang paalala. Ang namumuno at ang pastor o taga-pangaral sa iyong simbahan ano ba ang ipinapakita niya:
1.    Siya ba ay may magarbong pamumuhay?
2.    Masyado ba siyang naka-sentro sa material na bagay?
3.    Lagi nya bang itinataas ang kanyang sarili?
4.    Naka-sentro pa sa tunay na ebanghelyo at kay Jesus ang kanyang itinuturo?
5.    Nakatuon ba sa Diyos ang kanyang pangangaral?
Kung Oo, ang sagot mo. Nararapat na ika’y maghanap ng simbahan na nagtuturo ng tama.


image

Paliwanag pa ni Piper, hindi masama ang personal na panalagin na humingi na biyaya. Pero ang pag bibigay ng pokus sa prosperity gospel, at isiping ibibigay ng Diyos ang ating hinihiling na kasaganaan at kaginhawaan ay mali sapagkat hindi maari na mapilit natin o makumbinsi ang Diyos na ibigay ang ating pansariling kagustuhan.
Sa katuruang prosperity gospel, ang tao at hindi ang Diyos ang nagiging sentro ng ating mga panalangin. Katakang taking nakakaligtaan ng mga mangangaral ng ebanghelyo ng prosperidad ang pangalawang parte sa aklat ni Santiago, “4:3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.” Tandaan na ang Diyos ay hindi sumasagot sa panalangin makasarili na hindi nagbibigay pugay sa kanyang pangalan.

Please. Please. Please. Watch these Videos Kapatid.


��1�,�B

No comments:

Post a Comment