Friday, July 31, 2015

Masamang Balita: Prosperity Gospel Isang Heresiya! (Part 1)


Ano ang Prosperity Gospel?

Magandang araw mga kapatid kong Pilipino. Una sa lahat ang Blog na ito ay hinati po namin sa Tatlong Parte. Sana po’y mabasa ninyo ang mga ito. Layunin po naming tulungan ang mga kapatid nating nasa ilalim ng pamumuno ng mga Prosperity Preachers. Hindi po namin nais maging hati-hati ang Simbahan o magkawatak-watak ang mga Kristiyano. Ang ipinagdadasal lang po namin ay maihiwalay o maibukod ang Ebanghelyo ni Kristo sa Ebanghelyong mula sa tao, gawa sa tao, at para sa tao. Alam po naming may mga simbahan matatamaan sa Blog na ito subalit hindi kami nandirito para pasiyahin ang mga tao’t sumang-ayon sa kultura’t panahon.
Sapagkat hinihikayat ko ba ngayon ang mga tao o ang Diyos? Ako ba ay naghahangad upang magbigay-lugod sa mga tao? Ito ay sapagkat kung sa mga tao pa ako nagbibigay-lugod, hindi na ako dapat maging alipin ni Cristo. Galacia 1:10
Ito po ‘yung mga topics na susubukan naming tatalakayin. Sabayan niyo po kami sa pagdasal na sana po’y mamulat ang mga mata ng mga kapwa natin Pinoy at ng makawala sa makamundong kilusan tulad ng Prosperity Gospel.
Part 1: Ano ang Prosperity Gospel?
Part 2: Bakit Delikado ang Prosperity Gospel?
Part 3: The Gospel versus The Prosperity Gospel
Sino nga bang ayaw yumaman? Sino nga bang ayaw maging positibo sa buhay? Mali nga ba na ipahayag at ipalaganap ang Prosperity Gospel? Ito ang gusto ng mga tao – in fact – ito ang nais ng laman.
Ang Prosperity Gospel ay isang doktrina na ang “Financial Blessings’ ay isa sa mga pangako’t kagustuhan ng DIYOS sa BAWAT tao dito sa daigdig. Sa halip na ang DIYOS ang siyang nagbibigay utos sa tao, sa Prosperity Gospel, ang tao ang siyang nag uutos sa DIYOS kung anong dapat gawin at ano dapat ang ipamahagi. Declare! Claim! Word of Faith! Naniniwala silang kayang kontrolin ang Banal na Espirito sa kung ano man ang gusto mong ipagawa sa kanya – as longs as nasa Bibliya ito.


image

Ipinagdidiinan ng Prosperity Gospel a.k.a Word of Faith ang mga ito sa kanilang mga sermon:
1.    Personal Empowerment
2.    Positive Confession
3.    Importance of Wealth
4.    Name it! Claim it! Blab it! Grab it!
5.    Health and Wealth
6.    You do not have, because you did not ask
7.    GOD is able only when you want HIM to
8.    Your Best Life Now!
Basahin niyo po ang full History ng Prosperity Gospel dito: https://en.wikipedia.org/wiki/Prosperity_theology#History
Sa madaling salita ang Prosperity Gospel ay nagtuturo na ang gusto ng DIYOS ay ang yumaman at magkaroon ng magandang buhay ang bawat Kristiyano hindi lamang doon sa langit, pati na rin dito.  Yes, sa Earth.
Sabi pa nga ni Robert Tilton, isa sa mga sikat na miyembro ng Prosperity Gospel,
“I believe that it is the will of God for all to prosper because I see it in the Word, not because it has worked mightily for someone else. I do not put my eyes on men, but on God who gives me the power to get wealth.”
Ako mismo ay nanggaling sa simbahang na impluwensyahan ng mga “Prosperity Preachers” tulad nila: Joyce Meyer, Kenneth Copeland, Joel Osteen, Creflo Dollar, at Benny Hinn. Kada linggo ang sermon ay tungkol sa kung paano yumaman, paano magkaroon ng maraming pera, at mga Bible verse na nagsasabing nais talaga ng DIYOS na maging “prosperous” ang buhay natin dito sa mundo. Oo, lahat daw ng mga CHRISTIAN ay makakaasa sa pangakong ito.


image

Noong una ako’y parati akong sabik at mabilis rumesponde sa mga binibitawang deklarasyon ng aming Pastor.
“Makukuha mo ang pinakagusto mong kotse!”
“Amen!”
“Magiging sa iyo na ‘yung bahay na pinapangarap mo!”
Amen!”
“Promotions! Success! Wealth! Pera!
“Amen. Amen. Amen. Amen.”
Kung gaano kalakas ang “Prosperity-Cry’ ng aming Pastor, doble ang lakas ng Amen ko! Kapatid, kung nakita mo lang ang zeal ko, ‘yung passion ko.
“Name it! Claim it!”

AMEN!



image

Biblical naman daw kase ang Prosperity eh. Ang daming verses na sumusuporta sa movement na ito. “In fact...” sabi ng leader namin, “...you should be blessed at Prosperity Church tayo at hindi tayo Poor Church.” 
Tanong ko sa sarili ko: Ha?
Ito ‘yung mga verses na naka-highlight parati sa mga Bibliya ng mga taong mahilig sa Prosperity.
Mark 10:29-30 — “No one who has left home or brothers or sisters or mother or father or children or fields for me and the gospel will fail to receive a hundred times as much in this present age.”
James 4:2 — “You do not have because you do not ask God.”
At siyempre ang verse na pinakapaborito’t sikat na sikat:
Jeremiah 29:11 — “‘For I know the plans I have for you,’ declares the Lord, ‘plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.’”
 Ilan lamang ito sa mga verses na ginagmait ng mga Prosperity Preachers. So nasa Bible naman pala ang mga salitang “prosperity”, “wellness”, “rich”, “fulness”, “hundred times”, anong problema dito? Una sa lahat gusto kong linawin na hindi ko dine-deny ang mga salitang ito. Totoong ito ay nasa Bibliya subalit alam niyo kung ano at saan ang problema? 

CONTEXT. KAHULUGAN.

Gamit ang mga pinost na mga verses sa itaas, halika’t sa tulong ng Banal na Espirito, ating himay-himayin ang mga bersikulo’t mas maliwanagan tayo sa katotohanan.
 Mark 10:29-30 
 -          Ang pinapangako ng verse na ito ay hindi yaman or hundred folds of money and wealth, ang reward na tinutukoy dito ay “hundred/thousand folds of fellowship” sa kapwa Krsitiyano! Na i-wewelcome ka ng mga kapatid mong Kristiyano sa kanilang lupain at sa kanilang bahay. Hindi ito pang personal na ganti – ang sumusunod na bersikulo (10:3) provides clarity. 
 James 4:2
 -          Ito ‘yung “name it, claim it” verse or kung-wala-sayo-yun-ay-dahil-hindi-mo-hiningi. Tanong: What should we ask? Material things, makamdunong mga bagay? Naaalala niyo ba ano ang hiningi ni Solomon sa DIYOS at ano ang reaksyon ng DIYOS sa dasal ni Solomon?
1Ki 3:11  And God said to him, "Because you have asked this, and have not asked for yourself long life or riches or the life of your enemies, but have asked for yourself understanding to discern what is right,
1Ki 3:12  behold, I now do according to your word. Behold, I give you a wise and discerning mind, so that none like you has been before you and none like you shall arise after you.
At isa pa, ano ba dapat ang hinahanap natin? Ano ba ang dapat hinihiling natin araw araw? Mat 6:33  But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you. 
 Jeremiah 29:11      
-           Ito ang isa sa “misused Bible verses” sa buong kalawakan. Ito ay pangakong ipinapangako ng Pastor sa mga Kristiyano. “Huwag kayong mag-alala, may Jeremiah 29:11 na man!” Subalit ang verse na ito ay sulat ni Jeremiah sa mga Exiles sa Babylon. Ito ay pangako sa mga Hudyo in a specific time and history – at totoong na fulfill ito pagkatapos ng 70 years. Di ba lahat ng pangako ng Bibliya ay para sa akin? Nope. Hindi. Isa sa maganda’t kinakailangan na paraan sa pagbasa ng Bibliya ay ang pagintindi sa sitwasyon, kasaysayan, manunulat, at sa mga sinusulatan. 
Kinakailangan ng Hermeneutics.


image

Hermeneutics

Biblical hermeneutics is perhaps summarized best by 2 Timothy 2:15
, "Be diligent to present yourself approved to God, a worker who does not need to be ashamed, rightly dividing the word of truth." Biblical hermeneutics is the science of properly interpreting the various types of literature found in the Bible. For example, a psalm should often be interpreted differently from a prophecy. A proverb should be understood and applied differently from a law. This is the purpose of biblical hermeneutics—to help us to know how to interpret, understand, and apply the Bible.  - www.gotquestions.org
May mga pangako sa Bibliya na specific sa isang Karacter, Grupo ng mga tao, at Kasaysayan. Tulad ng pangako ng DIYOS kay Abraham sa Sodom at Gomorrah. Pangako ng DIYOS kay Elisha’t Elijah sa panahon ni Jezebel. Pangako ng DIYOS kay Samuel noong panahon ni David at Saul. Pangako kung kailan magagawa ‘yung templo niya sa Panahon ni Solomon. Kumbaga, basahin natin ang Bibliya sa paraang pinapahiwatig ng Bibliya. Kung gagamitin natin ang Jeremiah 29:11 sa ating buhay o sa mga buhay na hindi naman inexile sa Babylon, then we shall have lots of contradictions in the Bible and promises unfulfilled! Plans to prosper you and not to harm you? Anong nangyari sa lahat 12 Apostles at sa mga Martyrs at sa mga Santong namatay na walang bahay at walang makain? They died bad, and I mean really really bad! Most of them did not die prosperous! Depensa naman ng isa sa mga Prosperity Preacher na si Joel Osteen:
“Prosperity isn’t just about money. It’s about having health and peace in your mind. It’s being able to sleep at night and having good relationships. There are many things that money cannot buy that represent prosperity, but having monetary provision is also a part of prosperity. You’ll never find one place in the Scripture where we are supposed to drag around not having enough, not able to afford what we want, and living off the leftovers of others. […] We should be so blessed, so prosperous, so generous, so full of joy that other people want what we have. You don’t prove God is good when you live a defeated life.”
Joel Osteen: You don’t prove God is good when you live a defeated life.
JESUS:  Whoever finds his life will lose it, and whoever loses his life for my sake will find it.


image

Magtiwala ka kapatid, narinig ko na rin ‘tong linyang ito sa kapwa Pilipino. Naaalala ko pa noong may pinost kaming larawan tungkol sa “Dangers of Prosperity Gospel” sabi ng isang Pinay, “Huh! Baka di mo lang alam kung ano ibig sabihin ng word na prosperity”. At sabay unfollow sa page na ito.
Nakakalungkot. Totoong nakakadismaya. Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko sa tuwing may Pinoy na di man lang tayo binigyan ng oras at panahon upang ipaliwanag ang totoong laman ng Ebanghelyo – walang tsansa para ipahayag ang depensang naka-ugat sa Salita ng DIYOS. Nagsisirado agad ang mga puso’t utak nila. Mga mahal kong kapatid, sana’y buksan ng Panginoon ang inyong mga mata’t puso at sana’y pagbigyan niyo ang hamak na isang tulad ko.
Bakit delikado ang Prosperity Gospel? Sasagutin ko ang mga ito sa susunod na blog.....
May JESUS bless your day kapatid and thank you for your time and patience.

No comments:

Post a Comment